naliwanagan na..
mahabang pagsusulit nanaman. ito ang pinakaayaw ko sa buong school year. magpupuyat ka tapos hindi ka pa makokontento sa grado mo. lalaki ang eyebags mo, papangit ka na, hindi pa siya worth it.. hay naku.
sa maikling panahon ay nakalimutan kong respetuhin ang prinsipyo ng iba. basta basta nalang ako nanghusga ng tao. sa aking pagkokoncentrate sa pakikisama at pag-fit in sa iba, nakaligtaan ko ang tamang prinsipyo sa iba. nakalimutan ko na balikan ang aking paniniwala't paninindigan.
alam ko ang pakiramdam na hinuhusgahan, naranasan ko na iyon. pero hindi pa ako natuto sa aking pagkakamali noon.
loser ba? loner ba? ang bawat isa sa atin ay pagkakaiba. hindi porket iba sila mag isip ay weirdo na sila. hindi porket lagi sila mag isa ay loner na siya. hindi niya naman kasalanan kung hindi siya ganun kabilis magtiwala sa iba o kaya'y ganun kabilis makipagsocialize. para sa inyong impormasyon, nasa mga tahimik ang pinakamalalim na ideya na taliwas sa ordinaryong pag iisip. sino ba tayo para manghusga ng iba? dapat kasi inuunawa na lamang ang mga ganitong tao, pakisamahan nalang sila nang maayos. pero kung hindi niyo ito kayang gawin, mas mabuti pa't manahimik na lamang kayo. kaysa naman yung inaapi niyo yung tao. kahit konting respeto man lang. marahil wala lang kayo magawa sa buhay kaya't inaapi niyo ang iba. ano kaya ang iyong mararamdaman kung kayo ang hinusgahan ng iba?
kung hindi niyo talaga mahanap sa inyong sarili na huwag mainis sa isang tao, huwag naman sana lait laitin pa. kung ayaw niyo sa isang tao, huwag na kayo mandamay pa ng iba. kailangan nga ba na sirain niyo pa ang pangalan ng taong iyon? para saan pa? ano ba ang magandang maidudulot nito sa iyo? natutuwa ka ba? masaya ka ba sa ginagawa mong iyon?
RESPETO lang naman ang kailangan. kahit konti lang. tao rin naman sila. hindi naman siguro ganun kahirap mgarespeto ng kapwa.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home